Masayang araw ‘to para sakin at sa aming lahat na magkakaklase. Kahit na 5th place lang kami out of 15 contestants, napili pa din kami. Bukod sa pagkapanalo namin, natutuwa din ako dahil nabuo ulit kaming magkakaklase. Nagtulungan, nagkasama, nagkaisa. Pero ang totoo nyan, para akong babae nito dahil sa nail art na nasa kuko ko. Tinatamad kasing akong tanggalin kaya bukas ko na lang aalisin. Haha.
Babaeng nakatadhana para sakin. Nasan ka na? Antagal mo ee. Ready na po ako :)))
OKC. Oklahoma City Thunder. Yan yung team na bet ko e. Pero sa kasamaang palad, sila ay natalo ng Miami Heat. Nung nanuod talaga ako kanina, nalungkot ako sa kinalabasan ng laban. Ang akala ko kasi, sila ang mananalo sa pagkakataong to. Pero inisip ko na lang, bata pa sila, madami pang mangyayari sa kanila. Malay natin, sa susunod, sila na ang manalo at hindi na matalo ulit. Buti na lang din hindi ako nakipagpustahan dun sa kaklase ko, talo sana ako. Haha. Better luck next time OKC. Suporta pa din ako sa inyo. :DD